Dito ko iiwan ang mga pangalan na tinangay mula sa aking dibdib, kasama ang mga dasal na hindi tinanggap ng langit.
Saksi ang burol na ito sa aking pagkapako at sa muling pagbangon ng noong tumangging yumuko.
Balang araw, Tigayon, kung sakaling makalimot ang bayan, ikaw nawa ang tumindig sa aking ngalan. Sabihin mong kahit nabasag ang puso, ang pag-ibig ay hindi ko isinuko.
Kapag dumating ang mga bagong binhi tangan ang bagong liwanag, iparamdam mo sa kanila ang tibok ng rebolusyon sa ilalim ng kanilang mga paaupang sa tuwing tatapak sila sa lupaing ito, maramdaman nilang hindi sila nag-iisa.
Dahil ang kalayaan ay hindi kailanman inilibing. Nananatili itong humihinga, sa pagitan ng mga bitak ng lupa sa piling ng mga ugat ng Balete, sa bawat alon ng Aklan.
Hanggang may lupa, may digma. Hanggang may dugo, may pag-ibig.
Hanggang may alaala, may masang sisibol muli.
dimensions 34