A short love story by fate and chances.
pero ang totoo ay natapos ko na ito kaya ang konsentrasyon ko ngayon ay nasa kanya na, habang nag-iisip ng magiging komento ko para naman ma-impress siya sa magiging sagot ko.
Pero habang nagiisip naman ako ay lalong inagaw ang konsentrasyon ko ng palihim na pagsulyap sa kanya. Naamoy ko pa nga ang shampoo na gamit niya at tinandaan ko ang amoy nito para ito na rin ang gagamitin ko.
Galing sa isang babae ang sulat at sinasabi niya na balak na niyang makipag hiwalay sa boyfriend niya dahil wala na itong oras para sa kanya at nararamdaman niya na balewala na rin siya sa lalaki.
Ibinaba ko ang dyaryo ng masiguro kong tapos na niyang basahin. "Sige ikaw muna, ano ang masasabi mo?"
Mabilis ang naging sagot niya. "Dapat muna niyang kausapin ang boyfriend niya at ipaliwanag dito ang nararamdaman niya. Sa estado kasi nila baka kailangan nilang magsikap at magsipag lalo na ang lalaki para sa future nila. Baka naghahanda na ang boyfriend niya para na rin sa kanila.Basta mag-usap muna sila at doon siya mag-decide pagkatapos."
Hindi ko lalong napigilan ang humanga sa kanya. Maganda na ay maunawain pa. Sasangayon ako sa kanya....syempre.
"Tama ka, ang pinakamabisang paraan para tumagal ang isang relasyon ay nasa regular at resonableng pag-uusap. Pero kung may magpupursige dapat ay ang lalaki. Dahil kung tapat at totoo ang pagmamahal niya sa babae ay dapat siyang sensitibo at alam niya ang nararamdaman nito sa mga nagyayari sa kanila. Kahit gaano siya ka-busy ay dapat niyang isinasaalang-alang ang kalagayan at nararamdaman nito.Alam niya dapat at ginagawa kung ano ang makakapag-pasaya dito. Ito dapat ang nagbibigay ng inspirasyon sa kanya at kailanman kahit isang saglit ay hindi ito dapat na nawawaglit sa isip at puso niya. Importante rin na maramdaman at malaman ng babae na siya pa rin ang pinakamahalaga sa buhay nito," galing sa puso ko ang lahat ng sinabi ko at sa kanya ko ito pinatutungkol.
Nakatingin lang siya sa akin.Tahimik.
Nasilayan ko ang dahan-dahan niyang pagngiti. "Ganun ka ba?"
"Para sa babaing mamahalin ko sisiguruhin ko na siya ang magiging sentro ng buhay ko.Hindi ko hahayaan kahit isang segundo na maramdaman niyang hindi siya mahalaga sa akin."
Napaakaganda at napakatamis ng ngiti na isinukli niya sa akin. Muli na namang wala akong makita sa paligid ko maliban sa maganda niyang mukha. Gusto kong haplusin ang