Back
Flip
Vertical
Horizontal
All Pages
1 / 6
Mailing List
Share
Fullscreen
jose viernon navas avatar
Personal

Ang_Unang_Pagtatagpo_Jose_Felix

By jose viernon navas

A short love story by fate and chances.

Go to stand
Share link
https://covver.com/magazine/jvfnavas21/ang-unang-pagtatagpo-jose-felix
Published
Sep 10, 2026
Updated
Sep 17, 2026
Pages
6
Language
English

More in this magazine

  • CoverA L O V E S T O R Y I N M A N I L A ANG UNANG PAGTATAGPO J O S E F E L I X
  • Page 2U N A N G PA G TATA G P O S ng train. Pero hindi ko iyon problema dahil sa totoo lang ay mas gusto ko ang nakatayo a MRT. Lunes. Alas-8 ng umaga. Kagaya ng dati sikisikan at punuan sa loob ng istasyon at sa bandang gitna dahil dito ay maluwag. Bihira ang mga pasahero dito dahil kalimitan ay nasa pintong bahagi. Tutal ay sa North Station pa naman ako bababa kaya ayos lang. Pang-alis inip ay mayroon din akong dyaryo na Libre. ganitong oras ay may naaabutan pa ako. Masarap basahin ang dyaryong ito dahil magagaan lang at ang mahahalagang balita lang ang nakasulat. Mula sa istasyong ito ay tamang-tama lang na matatapos kong basahin at sagutan na rin ang crossword dito bago ako bumaba.
  • Page 3kakalma ang puso ko na noon lang yata tumibok. Sa muling pag takbo ng train ay bahagya pang nagtama ang aming mga braso. Napatingin siya sa akin at tiningnan ko rin siya. Nginitian ko siya, yung alam kong pinakamaganda kong ngiti pero bakit ba naman sumabay pa ng pikit ang mga mata ko. Naisip ko tuloy ang mga palabas sa cartoons, wala kong pinagkaiba sa kanila pag nagpapapansin sila. Nakita ko siyang napangiti at parang natatawa sa ginawa ko. Lalo tuloy akong napahiya. Torpe ako lalo na sa ganitong pagkakataon at hindi ko puwedeng ibuka ang bibig ko para magsalita dahil baka pautal-utal lang ang lumabas dito.
  • Page 4Inabot ko ito sa kanya ng hindi humihinga. "Salamat." Suwerte naman talaga ang dyaryong ito na hindi ko napansin na nahulog kanina paghabol ko sa braso niya. Nasa page ng entertainment ang bahaging binabasa ko na kanina kaya iyon ang bungad na pareho naming tiningnan. Ang column na Dear Emily. "Binabasa mo rin yan? tanong niya.
  • Page 5pero ang totoo ay natapos ko na ito kaya ang konsentrasyon ko ngayon ay nasa kanya na, habang nag-iisip ng magiging komento ko para naman ma-impress siya sa magiging sagot ko. Pero habang nagiisip naman ako ay lalong inagaw ang konsentrasyon ko ng palihim na pagsulyap sa kanya. Naamoy ko pa nga ang shampoo na gamit niya at tinandaan ko ang amoy nito para ito na rin ang gagamitin ko.
  • Page 6maamo niyang mukha at tila abot kamay ko na ng mapabalikwas kami pareho ng marinig ang malakas na sipol ng guwardiya. Pinabababa na kami dahil kami na lang pala ang naiwan sa train, ngayon ay totoo palang wala ng ibang tao sa train maliban sa amin. Totoo rin pala na ang pag-ibig ay dumarating sa lugar at sa oras na kailanman ay hindi inaasahan. Ah kaytagal namang dumating ng bukas. Isang bagong araw at umaga para makasakay ulit ako sa MRT. Pagsakay na naghatid sa akin sa bago at punong-puno ng pag-ibig na yugto sa buhay ko.
Text of this page

Inabot ko ito sa kanya ng hindi humihinga. "Salamat." Suwerte naman talaga ang dyaryong ito na hindi ko napansin na nahulog kanina paghabol ko sa braso niya. Nasa page ng entertainment ang bahaging binabasa ko na kanina kaya iyon ang bungad na pareho naming tiningnan. Ang column na Dear Emily.

"Binabasa mo rin yan? tanong niya.

"Oo," sabay tango ko. Ito na ang hinihintay kong pagkakataon.

"Binabasa ko rin yan.Pagkatapos mo pahiram ha."

Mabilis na ang takbo ng isip ko pero mas malakas ang kaba ko. Hindi ko puwedeng palagpasin ang pagkakataong ito. "Saang istasyon ka ba bababa, baka kasi mauna ka ay hindi mo mabasa, mamaya na lang ako pagkatapos mo."

"Sa North pa ko."

"Talaga", hindi ko naitago ang exitement sa boses ko. Akalain mo pareho pa kami ng bababaan.

Isip-isip. Kailangan magmukha akong matalino pero simple lang.

"Gusto mo basahin mo muna tapos magpalitan tayo ng kuro-kuro."

"Hmmm. Kuro-kuro.Gusto ko ang salitang yan. Malalim."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya pero nahalata siguro niya na napaisip ako dahil bigla siyang bumawi.

"Maganda kasing makarinig ng mga malalalim na salita, ibig kasing sabihin nun na mahilig kang magbasa.

Doon na nawala ng agam-agam ko at lalong nagpadagdag sa lakas ng loob ko.

"Oo mahilig nga akong magbasa, ganito na lang sabay na lang nating basahin para sabay din tayong makapag-komento."

"Tama ka dyan."

Inayos ko ang tiklop ng dyaryo, yung section lang na yun ang itinira ko para mabasa namin pareho. Sa kanya ko inilapit ang dyaryo at dahil nasa kaliwa ko siya ay kailangan kong magpalit ng kapit. Kaliwang kamay ang ginamit ko panghawak sa railing para hindi ko masangi ang braso niya, ayoko namang isipin niya na sinasadya kong matamaan ang braso niya. Kanan kong kamay ang may hawak sa dyaryo. Sabay nga naming binasa ang column