Back
Flip
Vertical
Horizontal
All Pages
1 / 6
Mailing List
Share
Fullscreen
jose viernon navas avatar
Personal

Ang_Unang_Pagtatagpo_Jose_Felix

By jose viernon navas

A short love story by fate and chances.

Go to stand
Share link
https://covver.com/magazine/jvfnavas21/ang-unang-pagtatagpo-jose-felix
Published
Sep 10, 2026
Updated
Sep 17, 2026
Pages
6
Language
English

In this magazine

6 pages · tap a page to read its text

  • CoverA L O V E S T O R Y I N M A N I L A ANG UNANG PAGTATAGPO J O S E F E L I X
  • Page 2U N A N G PA G TATA G P O S ng train. Pero hindi ko iyon problema dahil sa totoo lang ay mas gusto ko ang nakatayo a MRT. Lunes. Alas-8 ng umaga. Kagaya ng dati sikisikan at punuan sa loob ng istasyon at sa bandang gitna dahil dito ay maluwag. Bihira ang mga pasahero dito dahil kalimitan ay nasa pintong bahagi. Tutal ay sa North Station pa naman ako bababa kaya ayos lang. Pang-alis inip ay mayroon din akong dyaryo na Libre. ganitong oras ay may naaabutan pa ako. Masarap basahin ang dyaryong ito dahil magagaan lang at ang mahahalagang balita lang ang nakasulat. Mula sa istasyong ito ay tamang-tama lang na matatapos kong basahin at sagutan na rin ang crossword dito bago ako bumaba.
  • Page 3kakalma ang puso ko na noon lang yata tumibok. Sa muling pag takbo ng train ay bahagya pang nagtama ang aming mga braso. Napatingin siya sa akin at tiningnan ko rin siya. Nginitian ko siya, yung alam kong pinakamaganda kong ngiti pero bakit ba naman sumabay pa ng pikit ang mga mata ko. Naisip ko tuloy ang mga palabas sa cartoons, wala kong pinagkaiba sa kanila pag nagpapapansin sila. Nakita ko siyang napangiti at parang natatawa sa ginawa ko. Lalo tuloy akong napahiya. Torpe ako lalo na sa ganitong pagkakataon at hindi ko puwedeng ibuka ang bibig ko para magsalita dahil baka pautal-utal lang ang lumabas dito.
  • Page 4Inabot ko ito sa kanya ng hindi humihinga. "Salamat." Suwerte naman talaga ang dyaryong ito na hindi ko napansin na nahulog kanina paghabol ko sa braso niya. Nasa page ng entertainment ang bahaging binabasa ko na kanina kaya iyon ang bungad na pareho naming tiningnan. Ang column na Dear Emily. "Binabasa mo rin yan? tanong niya.
  • Page 5pero ang totoo ay natapos ko na ito kaya ang konsentrasyon ko ngayon ay nasa kanya na, habang nag-iisip ng magiging komento ko para naman ma-impress siya sa magiging sagot ko. Pero habang nagiisip naman ako ay lalong inagaw ang konsentrasyon ko ng palihim na pagsulyap sa kanya. Naamoy ko pa nga ang shampoo na gamit niya at tinandaan ko ang amoy nito para ito na rin ang gagamitin ko.
  • Page 6maamo niyang mukha at tila abot kamay ko na ng mapabalikwas kami pareho ng marinig ang malakas na sipol ng guwardiya. Pinabababa na kami dahil kami na lang pala ang naiwan sa train, ngayon ay totoo palang wala ng ibang tao sa train maliban sa amin. Totoo rin pala na ang pag-ibig ay dumarating sa lugar at sa oras na kailanman ay hindi inaasahan. Ah kaytagal namang dumating ng bukas. Isang bagong araw at umaga para makasakay ulit ako sa MRT. Pagsakay na naghatid sa akin sa bago at punong-puno ng pag-ibig na yugto sa buhay ko.
Read this magazine as text6 sections · ~9 min read

Cover

A L O V E S T O R Y I N M A N I L A ANG UNANG PAGTATAGPO J O S E F E L I X

A L O V E S T O R Y I N M A N I L A ANG UNANG PAGTATAGPO

J O S E F E L I X

Open page 1

Page 2

U N A N G PA G TATA G P O S ng train. Pero hindi ko iyon problema dahil sa totoo lang ay mas gusto ko ang nakatayo a MRT. Lunes. Alas-8 ng umaga. Kagaya ng dati sikisikan at punuan sa loob ng istasyon at sa bandang gitna dahil dito ay maluwag. Bihira ang mga pasahero dito dahil kalimitan ay nasa pintong bahagi. Tutal ay sa North Station pa naman ako bababa kaya ayos lang. Pang-alis inip ay mayroon din akong dyaryo na Libre. ganitong oras ay may naaabutan pa ako. Masarap basahin ang dyaryong ito dahil magagaan lang at ang mahahalagang balita lang ang nakasulat. Mula sa istasyong ito ay tamang-tama lang na matatapos kong basahin at sagutan na rin ang crossword dito bago ako bumaba.

U N A N G PA G TATA G P O S ng train. Pero hindi ko iyon problema dahil sa totoo lang ay mas gusto ko ang nakatayo a MRT. Lunes. Alas-8 ng umaga. Kagaya ng dati sikisikan at punuan sa loob ng istasyon at sa bandang gitna dahil dito ay maluwag. Bihira ang mga pasahero dito dahil kalimitan ay nasa pintong bahagi. Tutal ay sa North Station pa naman ako bababa kaya ayos lang. Pang-alis inip ay mayroon din akong dyaryo na Libre. ganitong oras ay may naaabutan pa ako.

Masarap basahin ang dyaryong ito dahil magagaan lang at ang mahahalagang balita lang ang nakasulat. Mula sa istasyong ito ay tamang-tama lang na matatapos kong basahin at sagutan na rin ang crossword dito bago ako bumaba.

Pagbukas ng pintuan ng train ay mabilis na nagsakayan ang mga pasahero at bahagya pang nagkatulakan. Lapit agad ako sa gitnang bahagi at sumandal sa may bahaging bakal para kahit hindi ako kumapit ay hindi ako matutumba, sabay buklat sa dyaryo. Ilang minuto pa ay sumara na ang pinto.Sa sumunod na istasyon ay lalo pang nagdagsaan ang mga pasahero kaya't lalong sumikip dahil bihira naman ang bumababa.. Bahagya na rin akong nasiksik kaya't tinupi ko sa apat na bahagi ang dyaryo para maituloy ko ang pagbabasa. Isang tunnel ang dinaanan namin kaya't may kung ilang segundo ring dumilim sa paligid. Pero ilang segundo na lang din pala at magbabago na ang buhay ko. Paglampas ng tunnel at ng tumama ang sikat ng araw sa balat niya ay bahagya nitong nasilaw ang mga mata ko.

Napapikit ako at maya-maya pa ay ibinaling ko ang tingin ko sa pinanggalingan ng liwanag.

Kung totoong may mga anghel na bumababa at nagpapakita sa lupa ay hindi ako maaaring magkamali na isa siyang anghel. Maputi at makinis ang kanyang balat.Maliit na mukha na pinaganda pang lalo ng makipot at mapulang labi. Katamtamang bilog ng mata at katamtamang tangos din ng ilong. Bahagya man siyang nakatagilid sa akin ay hindi naman nito naitago ang buo niyang ganda. Kung totoo rin ang hipnotismo ay maaaring nung mga oras na iyon ay napasailalim ako sa kapangyarihan niya dahil nang mapalingon siya sa akin ay biglang naging slow motion ang galaw sa paligid ko. Naging malabo ang lahat at tanging siya na lang ang maliwanag kong nakikita.

Hindi ko alam kung kailan at papaano ako bumalik sa aking sarile. Basta ang alam ko ay nakanganga lang ako na nakatitig sa kanya. Nang sumunod na istasyon ay marami na rin ang bumaba. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng mapalapit siya sa kinatatayuan ko. May kung ilang libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko pero hindi naman ako nangisay. Kalma lang, kalma..pilit kong binubulong sa sarile ko. Pero paano ba naman

Open page 2

Page 3

kakalma ang puso ko na noon lang yata tumibok. Sa muling pag takbo ng train ay bahagya pang nagtama ang aming mga braso. Napatingin siya sa akin at tiningnan ko rin siya. Nginitian ko siya, yung alam kong pinakamaganda kong ngiti pero bakit ba naman sumabay pa ng pikit ang mga mata ko. Naisip ko tuloy ang mga palabas sa cartoons, wala kong pinagkaiba sa kanila pag nagpapapansin sila. Nakita ko siyang napangiti at parang natatawa sa ginawa ko. Lalo tuloy akong napahiya. Torpe ako lalo na sa ganitong pagkakataon at hindi ko puwedeng ibuka ang bibig ko para magsalita dahil baka pautal-utal lang ang lumabas dito.

kakalma ang puso ko na noon lang yata tumibok. Sa muling pag takbo ng train ay bahagya pang nagtama ang aming mga braso. Napatingin siya sa akin at tiningnan ko rin siya.

Nginitian ko siya, yung alam kong pinakamaganda kong ngiti pero bakit ba naman sumabay pa ng pikit ang mga mata ko. Naisip ko tuloy ang mga palabas sa cartoons, wala kong pinagkaiba sa kanila pag nagpapapansin sila. Nakita ko siyang napangiti at parang natatawa sa ginawa ko. Lalo tuloy akong napahiya. Torpe ako lalo na sa ganitong pagkakataon at hindi ko puwedeng ibuka ang bibig ko para magsalita dahil baka pautal-utal lang ang lumabas dito.

Kaya pinigilan ko na lang ang sarile ko. Pero linsyak na puso to dahil ayaw tumigil sa pagdidikta sa akin. "Kausapin mo na bossing..." piping sigaw nito. "Huwag mong sayangin ang isang pagkakataon na ngayon lang dumating sa buhay ko." Ayoko hindi ko kaya,kung gusto mo ikaw,mag-isa ka.

Guadalupe Station. Siksikan pang lalo at magkadikit na talaga kami. Mabuti na lang at dinamihan ko ang lagay ng pabango kanina para hindi naman nakakahiya sakali at maamoy niya ko. Maya-maya lang ay biglang tumigil ang train. Mga ilang minuto pa lang pero nagsisimula ng magreklamo ang mga pasahero. May ilang kung ilang ulit ng nakatingin sa relo nila na tila kaytagal na ng lumipas. Sinilip ko siya ng patagilid at tila hindi naman siya apektado dahil inalis pa niya ang pagkakahawak sa hawakan. Nang walang sabi sabi ay biglang umarangkada ang train. Marami ang nagulat at nawalan ng balanse.Pati siya ay nakita kong nabigla at tila matutumba, kaya't mabilis kong hinabol ang kanyang braso. Sakto naman dahil naabutan ko siya sa siko niya.May kalakasan ang puwersa pero dahil nakakapit ako ay naiwasan namin ang matumba.

Kung puwede lang nung mga oras na iyon ay tumigil na ito. Kung puwede lang ay huwag ko na ring bitiwan ang kanyang braso.Malambot ito at tila malasutla kaya lalo lang akong nanabik na mahawakan pa sana siya. Maayos na ang takbo ng train ng dahan-dahan ko siyang bitawan. "Ayos ka lang?" "Salamat ha." Ang unang salitang narinig kong sinabi niya, ang unang napakatamis din na salitang narinig ko. Gusto kong umiyak sa sobrang tuwa, gusto kong tumalon at magsisigaw sa sobrang exitement pero hindi puwede. Kaya nginitian ko lang siya na parang wala lang sakin yon. Pero parang ayoko ng huminga dahil baka marinig niya ang lalong paglakas ng kabog ng dibdib ko .Anong pangalan mo? Gusto ko sanang itanong sa kanya pero hindi ko talaga kaya. Ipinikit ko na lang ang mata ko at pilit na nagpaka-kalma para makaisip ng tama kong gawin. Pagsapit sa Boni St.ay gumalaw siya at bahagyang yumuko kaya naisip ko na bababa na siya. Nanlumo ako dahil nawalang lahat ang pagkakataon ko. Inisip ko kung mayroon bang patron ang mga torpe dahil sana ayokong palagpasin ang pagkakataong ito.Pero nagulat ako ng may maramdaman akong bahagyang tumapik sa braso ko."Dyaryo mo".

Open page 3

Page 4

Inabot ko ito sa kanya ng hindi humihinga. "Salamat." Suwerte naman talaga ang dyaryong ito na hindi ko napansin na nahulog kanina paghabol ko sa braso niya. Nasa page ng entertainment ang bahaging binabasa ko na kanina kaya iyon ang bungad na pareho naming tiningnan. Ang column na Dear Emily. "Binabasa mo rin yan? tanong niya.

Inabot ko ito sa kanya ng hindi humihinga. "Salamat." Suwerte naman talaga ang dyaryong ito na hindi ko napansin na nahulog kanina paghabol ko sa braso niya. Nasa page ng entertainment ang bahaging binabasa ko na kanina kaya iyon ang bungad na pareho naming tiningnan. Ang column na Dear Emily.

"Binabasa mo rin yan? tanong niya.

"Oo," sabay tango ko. Ito na ang hinihintay kong pagkakataon.

"Binabasa ko rin yan.Pagkatapos mo pahiram ha."

Mabilis na ang takbo ng isip ko pero mas malakas ang kaba ko. Hindi ko puwedeng palagpasin ang pagkakataong ito. "Saang istasyon ka ba bababa, baka kasi mauna ka ay hindi mo mabasa, mamaya na lang ako pagkatapos mo."

"Sa North pa ko."

"Talaga", hindi ko naitago ang exitement sa boses ko. Akalain mo pareho pa kami ng bababaan.

Isip-isip. Kailangan magmukha akong matalino pero simple lang.

"Gusto mo basahin mo muna tapos magpalitan tayo ng kuro-kuro."

"Hmmm. Kuro-kuro.Gusto ko ang salitang yan. Malalim."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya pero nahalata siguro niya na napaisip ako dahil bigla siyang bumawi.

"Maganda kasing makarinig ng mga malalalim na salita, ibig kasing sabihin nun na mahilig kang magbasa.

Doon na nawala ng agam-agam ko at lalong nagpadagdag sa lakas ng loob ko.

"Oo mahilig nga akong magbasa, ganito na lang sabay na lang nating basahin para sabay din tayong makapag-komento."

"Tama ka dyan."

Inayos ko ang tiklop ng dyaryo, yung section lang na yun ang itinira ko para mabasa namin pareho. Sa kanya ko inilapit ang dyaryo at dahil nasa kaliwa ko siya ay kailangan kong magpalit ng kapit. Kaliwang kamay ang ginamit ko panghawak sa railing para hindi ko masangi ang braso niya, ayoko namang isipin niya na sinasadya kong matamaan ang braso niya. Kanan kong kamay ang may hawak sa dyaryo. Sabay nga naming binasa ang column

Open page 4

Page 5

pero ang totoo ay natapos ko na ito kaya ang konsentrasyon ko ngayon ay nasa kanya na, habang nag-iisip ng magiging komento ko para naman ma-impress siya sa magiging sagot ko. Pero habang nagiisip naman ako ay lalong inagaw ang konsentrasyon ko ng palihim na pagsulyap sa kanya. Naamoy ko pa nga ang shampoo na gamit niya at tinandaan ko ang amoy nito para ito na rin ang gagamitin ko.

pero ang totoo ay natapos ko na ito kaya ang konsentrasyon ko ngayon ay nasa kanya na, habang nag-iisip ng magiging komento ko para naman ma-impress siya sa magiging sagot ko.

Pero habang nagiisip naman ako ay lalong inagaw ang konsentrasyon ko ng palihim na pagsulyap sa kanya. Naamoy ko pa nga ang shampoo na gamit niya at tinandaan ko ang amoy nito para ito na rin ang gagamitin ko.

Galing sa isang babae ang sulat at sinasabi niya na balak na niyang makipag hiwalay sa boyfriend niya dahil wala na itong oras para sa kanya at nararamdaman niya na balewala na rin siya sa lalaki.

Ibinaba ko ang dyaryo ng masiguro kong tapos na niyang basahin. "Sige ikaw muna, ano ang masasabi mo?"

Mabilis ang naging sagot niya. "Dapat muna niyang kausapin ang boyfriend niya at ipaliwanag dito ang nararamdaman niya. Sa estado kasi nila baka kailangan nilang magsikap at magsipag lalo na ang lalaki para sa future nila. Baka naghahanda na ang boyfriend niya para na rin sa kanila.Basta mag-usap muna sila at doon siya mag-decide pagkatapos."

Hindi ko lalong napigilan ang humanga sa kanya. Maganda na ay maunawain pa. Sasangayon ako sa kanya....syempre.

"Tama ka, ang pinakamabisang paraan para tumagal ang isang relasyon ay nasa regular at resonableng pag-uusap. Pero kung may magpupursige dapat ay ang lalaki. Dahil kung tapat at totoo ang pagmamahal niya sa babae ay dapat siyang sensitibo at alam niya ang nararamdaman nito sa mga nagyayari sa kanila. Kahit gaano siya ka-busy ay dapat niyang isinasaalang-alang ang kalagayan at nararamdaman nito.Alam niya dapat at ginagawa kung ano ang makakapag-pasaya dito. Ito dapat ang nagbibigay ng inspirasyon sa kanya at kailanman kahit isang saglit ay hindi ito dapat na nawawaglit sa isip at puso niya. Importante rin na maramdaman at malaman ng babae na siya pa rin ang pinakamahalaga sa buhay nito," galing sa puso ko ang lahat ng sinabi ko at sa kanya ko ito pinatutungkol.

Nakatingin lang siya sa akin.Tahimik.

Nasilayan ko ang dahan-dahan niyang pagngiti. "Ganun ka ba?"

"Para sa babaing mamahalin ko sisiguruhin ko na siya ang magiging sentro ng buhay ko.Hindi ko hahayaan kahit isang segundo na maramdaman niyang hindi siya mahalaga sa akin."

Napaakaganda at napakatamis ng ngiti na isinukli niya sa akin. Muli na namang wala akong makita sa paligid ko maliban sa maganda niyang mukha. Gusto kong haplusin ang

Open page 5

Page 6

maamo niyang mukha at tila abot kamay ko na ng mapabalikwas kami pareho ng marinig ang malakas na sipol ng guwardiya. Pinabababa na kami dahil kami na lang pala ang naiwan sa train, ngayon ay totoo palang wala ng ibang tao sa train maliban sa amin. Totoo rin pala na ang pag-ibig ay dumarating sa lugar at sa oras na kailanman ay hindi inaasahan. Ah kaytagal namang dumating ng bukas. Isang bagong araw at umaga para makasakay ulit ako sa MRT. Pagsakay na naghatid sa akin sa bago at punong-puno ng pag-ibig na yugto sa buhay ko.

maamo niyang mukha at tila abot kamay ko na ng mapabalikwas kami pareho ng marinig ang malakas na sipol ng guwardiya. Pinabababa na kami dahil kami na lang pala ang naiwan sa train, ngayon ay totoo palang wala ng ibang tao sa train maliban sa amin. Totoo rin pala na ang pag-ibig ay dumarating sa lugar at sa oras na kailanman ay hindi inaasahan.

Ah kaytagal namang dumating ng bukas. Isang bagong araw at umaga para makasakay ulit ako sa MRT. Pagsakay na naghatid sa akin sa bago at punong-puno ng pag-ibig na yugto sa buhay ko.

"Ako nga pala si Lauren."

"Melissa," nakangiti niyang tugon.

Open page 6