Back
Flip
Vertical
Horizontal
All Pages
1 / 6
Mailing List
Share
Fullscreen
jose viernon navas avatar
Personal

Ang_Unang_Pagtatagpo_Jose_Felix

By jose viernon navas

A short love story by fate and chances.

Go to stand
Share link
https://covver.com/magazine/jvfnavas21/ang-unang-pagtatagpo-jose-felix
Published
Sep 10, 2026
Updated
Sep 17, 2026
Pages
6
Language
English

More in this magazine

  • CoverA L O V E S T O R Y I N M A N I L A ANG UNANG PAGTATAGPO J O S E F E L I X
  • Page 2U N A N G PA G TATA G P O S ng train. Pero hindi ko iyon problema dahil sa totoo lang ay mas gusto ko ang nakatayo a MRT. Lunes. Alas-8 ng umaga. Kagaya ng dati sikisikan at punuan sa loob ng istasyon at sa bandang gitna dahil dito ay maluwag. Bihira ang mga pasahero dito dahil kalimitan ay nasa pintong bahagi. Tutal ay sa North Station pa naman ako bababa kaya ayos lang. Pang-alis inip ay mayroon din akong dyaryo na Libre. ganitong oras ay may naaabutan pa ako. Masarap basahin ang dyaryong ito dahil magagaan lang at ang mahahalagang balita lang ang nakasulat. Mula sa istasyong ito ay tamang-tama lang na matatapos kong basahin at sagutan na rin ang crossword dito bago ako bumaba.
  • Page 3kakalma ang puso ko na noon lang yata tumibok. Sa muling pag takbo ng train ay bahagya pang nagtama ang aming mga braso. Napatingin siya sa akin at tiningnan ko rin siya. Nginitian ko siya, yung alam kong pinakamaganda kong ngiti pero bakit ba naman sumabay pa ng pikit ang mga mata ko. Naisip ko tuloy ang mga palabas sa cartoons, wala kong pinagkaiba sa kanila pag nagpapapansin sila. Nakita ko siyang napangiti at parang natatawa sa ginawa ko. Lalo tuloy akong napahiya. Torpe ako lalo na sa ganitong pagkakataon at hindi ko puwedeng ibuka ang bibig ko para magsalita dahil baka pautal-utal lang ang lumabas dito.
  • Page 4Inabot ko ito sa kanya ng hindi humihinga. "Salamat." Suwerte naman talaga ang dyaryong ito na hindi ko napansin na nahulog kanina paghabol ko sa braso niya. Nasa page ng entertainment ang bahaging binabasa ko na kanina kaya iyon ang bungad na pareho naming tiningnan. Ang column na Dear Emily. "Binabasa mo rin yan? tanong niya.
  • Page 5pero ang totoo ay natapos ko na ito kaya ang konsentrasyon ko ngayon ay nasa kanya na, habang nag-iisip ng magiging komento ko para naman ma-impress siya sa magiging sagot ko. Pero habang nagiisip naman ako ay lalong inagaw ang konsentrasyon ko ng palihim na pagsulyap sa kanya. Naamoy ko pa nga ang shampoo na gamit niya at tinandaan ko ang amoy nito para ito na rin ang gagamitin ko.
  • Page 6maamo niyang mukha at tila abot kamay ko na ng mapabalikwas kami pareho ng marinig ang malakas na sipol ng guwardiya. Pinabababa na kami dahil kami na lang pala ang naiwan sa train, ngayon ay totoo palang wala ng ibang tao sa train maliban sa amin. Totoo rin pala na ang pag-ibig ay dumarating sa lugar at sa oras na kailanman ay hindi inaasahan. Ah kaytagal namang dumating ng bukas. Isang bagong araw at umaga para makasakay ulit ako sa MRT. Pagsakay na naghatid sa akin sa bago at punong-puno ng pag-ibig na yugto sa buhay ko.
Text of this page

kakalma ang puso ko na noon lang yata tumibok. Sa muling pag takbo ng train ay bahagya pang nagtama ang aming mga braso. Napatingin siya sa akin at tiningnan ko rin siya.

Nginitian ko siya, yung alam kong pinakamaganda kong ngiti pero bakit ba naman sumabay pa ng pikit ang mga mata ko. Naisip ko tuloy ang mga palabas sa cartoons, wala kong pinagkaiba sa kanila pag nagpapapansin sila. Nakita ko siyang napangiti at parang natatawa sa ginawa ko. Lalo tuloy akong napahiya. Torpe ako lalo na sa ganitong pagkakataon at hindi ko puwedeng ibuka ang bibig ko para magsalita dahil baka pautal-utal lang ang lumabas dito.

Kaya pinigilan ko na lang ang sarile ko. Pero linsyak na puso to dahil ayaw tumigil sa pagdidikta sa akin. "Kausapin mo na bossing..." piping sigaw nito. "Huwag mong sayangin ang isang pagkakataon na ngayon lang dumating sa buhay ko." Ayoko hindi ko kaya,kung gusto mo ikaw,mag-isa ka.

Guadalupe Station. Siksikan pang lalo at magkadikit na talaga kami. Mabuti na lang at dinamihan ko ang lagay ng pabango kanina para hindi naman nakakahiya sakali at maamoy niya ko. Maya-maya lang ay biglang tumigil ang train. Mga ilang minuto pa lang pero nagsisimula ng magreklamo ang mga pasahero. May ilang kung ilang ulit ng nakatingin sa relo nila na tila kaytagal na ng lumipas. Sinilip ko siya ng patagilid at tila hindi naman siya apektado dahil inalis pa niya ang pagkakahawak sa hawakan. Nang walang sabi sabi ay biglang umarangkada ang train. Marami ang nagulat at nawalan ng balanse.Pati siya ay nakita kong nabigla at tila matutumba, kaya't mabilis kong hinabol ang kanyang braso. Sakto naman dahil naabutan ko siya sa siko niya.May kalakasan ang puwersa pero dahil nakakapit ako ay naiwasan namin ang matumba.

Kung puwede lang nung mga oras na iyon ay tumigil na ito. Kung puwede lang ay huwag ko na ring bitiwan ang kanyang braso.Malambot ito at tila malasutla kaya lalo lang akong nanabik na mahawakan pa sana siya. Maayos na ang takbo ng train ng dahan-dahan ko siyang bitawan. "Ayos ka lang?" "Salamat ha." Ang unang salitang narinig kong sinabi niya, ang unang napakatamis din na salitang narinig ko. Gusto kong umiyak sa sobrang tuwa, gusto kong tumalon at magsisigaw sa sobrang exitement pero hindi puwede. Kaya nginitian ko lang siya na parang wala lang sakin yon. Pero parang ayoko ng huminga dahil baka marinig niya ang lalong paglakas ng kabog ng dibdib ko .Anong pangalan mo? Gusto ko sanang itanong sa kanya pero hindi ko talaga kaya. Ipinikit ko na lang ang mata ko at pilit na nagpaka-kalma para makaisip ng tama kong gawin. Pagsapit sa Boni St.ay gumalaw siya at bahagyang yumuko kaya naisip ko na bababa na siya. Nanlumo ako dahil nawalang lahat ang pagkakataon ko. Inisip ko kung mayroon bang patron ang mga torpe dahil sana ayokong palagpasin ang pagkakataong ito.Pero nagulat ako ng may maramdaman akong bahagyang tumapik sa braso ko."Dyaryo mo".