A short love story by fate and chances.
U N A N G PA G TATA G P O S ng train. Pero hindi ko iyon problema dahil sa totoo lang ay mas gusto ko ang nakatayo a MRT. Lunes. Alas-8 ng umaga. Kagaya ng dati sikisikan at punuan sa loob ng istasyon at sa bandang gitna dahil dito ay maluwag. Bihira ang mga pasahero dito dahil kalimitan ay nasa pintong bahagi. Tutal ay sa North Station pa naman ako bababa kaya ayos lang. Pang-alis inip ay mayroon din akong dyaryo na Libre. ganitong oras ay may naaabutan pa ako.
Masarap basahin ang dyaryong ito dahil magagaan lang at ang mahahalagang balita lang ang nakasulat. Mula sa istasyong ito ay tamang-tama lang na matatapos kong basahin at sagutan na rin ang crossword dito bago ako bumaba.
Pagbukas ng pintuan ng train ay mabilis na nagsakayan ang mga pasahero at bahagya pang nagkatulakan. Lapit agad ako sa gitnang bahagi at sumandal sa may bahaging bakal para kahit hindi ako kumapit ay hindi ako matutumba, sabay buklat sa dyaryo. Ilang minuto pa ay sumara na ang pinto.Sa sumunod na istasyon ay lalo pang nagdagsaan ang mga pasahero kaya't lalong sumikip dahil bihira naman ang bumababa.. Bahagya na rin akong nasiksik kaya't tinupi ko sa apat na bahagi ang dyaryo para maituloy ko ang pagbabasa. Isang tunnel ang dinaanan namin kaya't may kung ilang segundo ring dumilim sa paligid. Pero ilang segundo na lang din pala at magbabago na ang buhay ko. Paglampas ng tunnel at ng tumama ang sikat ng araw sa balat niya ay bahagya nitong nasilaw ang mga mata ko.
Napapikit ako at maya-maya pa ay ibinaling ko ang tingin ko sa pinanggalingan ng liwanag.
Kung totoong may mga anghel na bumababa at nagpapakita sa lupa ay hindi ako maaaring magkamali na isa siyang anghel. Maputi at makinis ang kanyang balat.Maliit na mukha na pinaganda pang lalo ng makipot at mapulang labi. Katamtamang bilog ng mata at katamtamang tangos din ng ilong. Bahagya man siyang nakatagilid sa akin ay hindi naman nito naitago ang buo niyang ganda. Kung totoo rin ang hipnotismo ay maaaring nung mga oras na iyon ay napasailalim ako sa kapangyarihan niya dahil nang mapalingon siya sa akin ay biglang naging slow motion ang galaw sa paligid ko. Naging malabo ang lahat at tanging siya na lang ang maliwanag kong nakikita.
Hindi ko alam kung kailan at papaano ako bumalik sa aking sarile. Basta ang alam ko ay nakanganga lang ako na nakatitig sa kanya. Nang sumunod na istasyon ay marami na rin ang bumaba. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng mapalapit siya sa kinatatayuan ko. May kung ilang libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko pero hindi naman ako nangisay. Kalma lang, kalma..pilit kong binubulong sa sarile ko. Pero paano ba naman