Para sa minsan nang naging sandalan ko.
kung hahanapin mo man ako kung saan mo ako huling natagpuan, asahan mong makikita mo pa rin akong binibisita iyon paminsan-minsan.
at kung sakali man na sumagi sa iyong isipan ang muling pagbalik, marahil ay magiging bukas pa rin ang aking mga bisig.
iyon ay kung susubukan mo ulit akong hanapin, kahit na nahanap mo na ako ng ilang beses.