Back
Flip
Vertical
Horizontal
All Pages
1 / 6
Mailing List
Share
Fullscreen
av

Para sa minsan nang naging sandalan ko.

Go to stand
Share link
https://covver.com/magazine/avocadoxoxosos/alpas
Published
Aug 20, 2026
Pages
6

In this magazine

6 pages · tap a page to read its text

  • CoverAlpas. [to break free.]
  • Page 2Para sa minsan nang naging sandalan ko.
  • Page 3kailangan pa bang wakasan ito, kung ang katahimikan na ang sadyang nagpapabatid ng pamamaalam? hayaan na nating ang kapayapaan at ang walang imikan ang magsasalba sa mga bibig nating wala namang busal ngunit walang katiting na salita ang makatakas, ang katahimikang nanatili at namutawi ay ang simbolo ng pamamaalam ko at ng tuluyang pagbitaw mo.
  • Page 4ni minsan ba ay napapatanong ang mga mambabasa? na kung bakit ang dating mga magkatugmang salita, ngayon ay pilit na lang inilalathala.
  • Page 5kung hahanapin mo man ako kung saan mo ako huling natagpuan, asahan mong makikita mo pa rin akong binibisita iyon paminsan-minsan. at kung sakali man na sumagi sa iyong isipan ang muling pagbalik, marahil ay magiging bukas pa rin ang aking mga bisig.
  • Page 6ang dating bukas, ngayon ay sarado na. nilalapitan pa rin naman, ngunit hindi na sinusubukan pa na muling pasukin pa. isa akong sinungaling kung ipagkakaila kong hindi ka na sumasagi sa isipan ko, ngunit sa bawat sulyap ko sa bakanteng upuan mo at sa mga pagkaing naiwan mo ay sapat na upang awatin ako.
Read this magazine as text6 sections · ~2 min read

Cover

Alpas. [to break free.]
  • Alpas.
  • [to break free.]
  • Amaurylle.
Open page 1

Page 2

Para sa minsan nang naging sandalan ko.

Para sa minsan nang naging sandalan ko.

Open page 2

Page 3

kailangan pa bang wakasan ito, kung ang katahimikan na ang sadyang nagpapabatid ng pamamaalam? hayaan na nating ang kapayapaan at ang walang imikan ang magsasalba sa mga bibig nating wala namang busal ngunit walang katiting na salita ang makatakas, ang katahimikang nanatili at namutawi ay ang simbolo ng pamamaalam ko at ng tuluyang pagbitaw mo.

kailangan pa bang wakasan ito, kung ang katahimikan na ang sadyang nagpapabatid ng pamamaalam?

hayaan na nating ang kapayapaan at ang walang imikan ang magsasalba sa mga bibig nating wala namang busal ngunit walang katiting na salita ang makatakas, ang katahimikang nanatili at namutawi ay ang simbolo ng pamamaalam ko at ng tuluyang pagbitaw mo.

Open page 3

Page 4

ni minsan ba ay napapatanong ang mga mambabasa? na kung bakit ang dating mga magkatugmang salita, ngayon ay pilit na lang inilalathala.

ni minsan ba ay napapatanong ang mga mambabasa?

na kung bakit ang dating mga magkatugmang salita, ngayon ay pilit na lang inilalathala.

Open page 4

Page 5

kung hahanapin mo man ako kung saan mo ako huling natagpuan, asahan mong makikita mo pa rin akong binibisita iyon paminsan-minsan. at kung sakali man na sumagi sa iyong isipan ang muling pagbalik, marahil ay magiging bukas pa rin ang aking mga bisig.

kung hahanapin mo man ako kung saan mo ako huling natagpuan, asahan mong makikita mo pa rin akong binibisita iyon paminsan-minsan.

at kung sakali man na sumagi sa iyong isipan ang muling pagbalik, marahil ay magiging bukas pa rin ang aking mga bisig.

iyon ay kung susubukan mo ulit akong hanapin, kahit na nahanap mo na ako ng ilang beses.

Open page 5

Page 6

ang dating bukas, ngayon ay sarado na. nilalapitan pa rin naman, ngunit hindi na sinusubukan pa na muling pasukin pa. isa akong sinungaling kung ipagkakaila kong hindi ka na sumasagi sa isipan ko, ngunit sa bawat sulyap ko sa bakanteng upuan mo at sa mga pagkaing naiwan mo ay sapat na upang awatin ako.

ang dating bukas, ngayon ay sarado na. nilalapitan pa rin naman, ngunit hindi na sinusubukan pa na muling pasukin pa.

isa akong sinungaling kung ipagkakaila kong hindi ka na sumasagi sa isipan ko, ngunit sa bawat sulyap ko sa bakanteng upuan mo at sa mga pagkaing naiwan mo ay sapat na upang awatin ako.

hanggang doon na lang talaga tayo.

Open page 6