Back
Flip
Vertical
Horizontal
All Pages
1 / 52
Mailing List
Share
Fullscreen
arvee joy frias avatar

ALAMAT+NG+MARIPOSA

By arvee joy frias

Go to stand
Share link
https://covver.com/magazine/afrias/alamat-ng-mariposa
Published
Aug 20, 2026
Pages
52

In this magazine

52 pages · tap a page to read its text

  • CoverANG Alamat ng Mariposa
  • Ang librong ito ay kayThis book belongs to
  • Page 4Karapatang-ari sa Pilipinas ©2022 ng CANVAS - The Center for Art, New Ventures and Sustainable Development Reserbado ang lahat ng karapatan.
  • Page 5TANG Alamat ng Mariposa
  • Page 7Walang nakakaalam kung saan siya nagmula. Isa siyang napakagandang dilag, lagpas-balikat ang buhok na sing-itim ng gabi. Lagi niyang kasama ang alagang puting kuwago. No one knew where she came from. A beautiful woman with hair as black as night that went past her shoulders, she was always seen with her white pet owl.
  • Nakakapanindig-balahibo ang huni ng puting kuwago. “Huuu, huuu.”A white owl’s call sent shivers down one’s spine. “Hoot, hoot.” 6
  • Page 11Walang nakakakilala sa kanya, pero dahil sa amo ng mukha niya ay tinawag siyang Maria ng mga tao bilang paghahalintulad sa mukha ng Mahal na Birheng Maria. Mahusay na manghahabi si Maria ng makikintab at magagandang tela ng sutla. No one knew who she was, but her gentle face earned her the name Maria, after the Holy Virgin Mary whose face was like hers. Maria was a skilled weaver of bright and lovely fabrics of silk.
  • Page 12Pinaniniwalaan ng mga tao na may kapangyarihan ang telang makapagpagaling ng may karamdaman kapag ginamit ito bilang balabal o pangkumot sa maysakit. Sinasabing matapos magpagaling ay nawawala na ang kintab ng tela, tanda ng pagkawala ng angkin nitong bisa. Kung gayon, nagiging karaniwang tela na lamang ito. The townspeople believed the fabrics had the power to heal when used as a shawl or blanket for the sick. It was said that after healing a person, the fabric lost its luster—a sign that it no longer had power and had turned into an ordinary piece of cloth.
  • Page 15Ang bulung-bulungan, isa raw engkantada si Maria na naninirahan sa kalapit na engkantadong kagubatan. Nakakatakot itong lugar kaya walang naglalakas-loob na pumasok dito. Dati raw itong lugar ng isang sinaunang pamayanan na inabandona at ngayon ay sinakop na ng kagubatan. Ganap nang nilamon ng naglalakihang puno ang mga guho. In whispers, they said Maria was an enchantress who lived in the nearby enchanted forest. No one dared enter the ghostly woods. They said it used to be an ancient village, now abandoned and conquered by the wild. Towering trees have completely swallowed the ruins.
  • Page 16Isang araw, nagtitinda ng telang sutla si Maria sa bayan nang nasilayan siya ng isang makisig na manlalakbay. Agad na nabighani ang binatang manlalakbay na si Ponso at umibig sa dalaga. One day, Maria was selling her silks in town when a handsome traveler set his eyes upon her. It was love at first sight for the traveler, Ponso.
  • Page 19Di nagtagal, nagpahayag ng pag-ibig ang binata na tinanggap naman ng dalaga. Nagpakasal sila at nagsama sa kubo ni Maria sa pusod ng engkantadong kagubatan. Soon, the young man declared his love, and the young woman accepted. They got married and lived in Maria’s hut in the middle of the enchanted forest.
  • Page 20Hitik noon ang gubat sa mayayabong at luntiang punò. Nagsimulang malagas ang mga dahon at matuyo ang mga puno dahil sa mga insektong sumakop at nanahan sa kagubatan. Sa mga supot o bahay-uod ng mga insekto kinukuha ng mag-asawa ang mga sutlang hibla na ginagamit nila sa paghahabi ng tela. In those days, the woods were thick with lush green trees. The leaves began to dry up and fall because of the insects that came to the forest and lived there. From their cocoons, the couple gathered the silken threads they used for weaving.
  • Page 23Sa gabi, ang nakapangingilabot na huni ng puting kuwago ang tanging bumabasag sa katahimikan. “Huuu, huuu,” huni ng puting kuwago.
  • Page 24Sa loob ng maraming taon, namuhay ang mag-asawa nang payapa at tahimik. Pareho silang masipag at magkatuwang sa umuunlad nilang negosyo ng hinabing tela ng sutla. Si Maria ang tagahabi samantalang si Ponso naman ang tagadala ng mga tela sa bayan para ilako ito. Lubhang mabenta ang mga tela nilang sutla dahil sa kintab at ganda ng mga ito, kasama pa ang paniniwalang kaya nitong magpagaling ng may karamdaman. For many years, the couple lived quietly and peacefully. They were both hard workers, partners in their growing business of woven silks. Maria wove the fabrics and Ponso brought them to town to sell them. The weaves were in demand because of their beauty and shine, not to mention the belief that they could cure the sick.
  • Page 27Papauwi si Ponso isang araw nang tambangan siya ng masasamang-loob na dayo sa kanilang bayan. Ninakaw ang perang napagbentahan at ang masaklap pa nito ay sinaktan si Ponso ng mga kawatan. Ponso was on his home one day when wandering bandits stopped him in his tracks. They stole that day’s earnings, and to make matters worse, the outlaws beat him up.
  • Page 28Nang hindi umuwi si Ponso ng gabing iyon, nagpasya si Maria na hanapin siya kinaumagahan. Natagpuan niya si Ponso na wala nang buhay sa paanan ng isang malaking tuod ng balete. When Ponso did not make it home that night, Maria resolved to look for him the morning after. She found Ponso lifeless at a stump of a giant banyan tree.
  • Page 31Katuwang ang alaga niyang puting kuwago, mabilis siyang nagpasya na baluting parang bahay-uod ang labí ng asawa gamit ang mga hibla ng mahiwagang sutla. Buong ingat niyang binalot ng sutlang sinulid ang labí ng asawa. With her white owl, she quickly decided to place her husband’s remains in a cocoon, using the threads of the mysterious silk. She carefully covered her husband’s body with silken weave.
  • Page 32Pagkayari, sarili naman ang binalutan ng sutlang sinulid. When she was done, she likewise wrapped herself with silk.
  • Page 35Lumipas ang mga araw at tila naglahong parang bula ang mag-asawa. Dahil dito ay nangahas na ang mga tao na puntahan ang bahay ng mag-asawa sa pusod ng engkantadong gubat. Days passed and it seemed as if the couple had vanished into thin air. The townspeople gathered their courage to visit the couple’s home in the middle of the enchanted forest.
  • Page 36Ngunit wala silang nakita doon kundi ang dalawang malalaking bahay-uod na walang laman at dalawang malalaki at magagandang paruparo na laging magkasama sa paglipad-lipad. Tinawag nila ang dalawang paruparo na Maria at Ponso na kalaunan ay binigkas na lamang sa pangalang Mariposa. But they saw nothing there, apart from two huge empty cocoons, and two large and beautiful butterflies who flew everywhere at each other’s side. They called the two butterflies Maria and Ponso, and eventually, Mariposa.
  • Page 39Mula noon ay naging tanda na ang Mariposa ng muling pagkabuhay o pagbabagong-anyo. Kapag kabilugan ng buwan, madalas makita ang Mariposa na lilipad-lipad sa kagubatan. Tila ayaw ng pares na mahiwalay sa isa’t isa. Tunay nga na kahit ang kamatayan ay hindi kayang tapusin ang pag-iibigan ng mag-asawang Maria at Ponso. Since then, the Mariposa has been a symbol of rebirth or transformation. During fool moons, the Mariposa can often be seen flying around in the woods, an inseparable pair. Indeed, even death could not end the love between Maria and Ponso.
  • Page 40Tuwing gabi, binabasag pa rin ng nakakapangilabot na huni ng puting kuwago ang katahimikan ng engkantadong gubat. “Huuu, huuu,” huni ng puting kuwago na para bang nagdadalamhati sa pagkawala ng kaniyang mga amo.
  • Tungkol sa AwtorSi Cepheus I. Quiñones ay nagtrabaho bilang computer specialist sa dating U.S. Naval Base sa Subic Bay na nagpadala sa kanya sa iba’t ibang pagsasanay sa U.S. at Guam. Nang lisanin ng U.S. Navy ang Subic Bay, pumasok siya sa iba’t ibang gawain, pinakahuli bilang legislative staff sa kongreso. Nagtapos siya ng mga kurso sa Ingles at sosyolohiya, at naging Fellow sa Journalism ng UP College of Mass Communication.
  • Tungkol sa IlustradorBilang bata, pinapanood ni Don Bryan Bunag ang pagdaan ng mga ulap sa hardin ng lola niya, kasama ang pusa niyang si Botbot at aso niyang si Shiro. Noong 2014, nagtapos siya sa Bulacan State University ng bachelor’s degree sa Fine Arts, major in Visual Communication. Nakapanalo na ng maraming premyong pansining, napili siya bilang grand prize winner sa 2015 Metrobank Art and Design Excellence.
  • MORE BOOKS FROM CANVASArt and culture Human rights
  • FamilyA FISH TALE a tribute to the family we choose Story by Becky Bravo Art by Daniel dela Cruz
  • Page 48The Center for Art, New Ventures & Sustainable Development, CANVAS a non-profit organization, works with the creative community to promote children’s literacy, explore national identity, and broaden public awareness of Philippine art, culture, and the environment. For more information about CANVAS, and to learn how you can help and participate, send an email to [email protected]
  • Page 49CANVAS’ 1 Million Books for One Million Filipino Children Campaign aims to inspire in children a love for reading by donating its award-winning books to public schools, hospitals, and disadvantaged communities throughout the country. Imagine and believe.
  • Page 52Sinasabing may kapangyarihang magpagaling ng sakit ang mga tela ng sutla. Hinahabi ni Maria ang mga iyon, at si Ponso naman ang nagtitinda sa bayan.
Read this magazine as text30 sections · ~13 min read

Cover

ANG Alamat ng Mariposa
  • ANG
  • Alamat ng Mariposa
  • Isinulat ni
  • Cepheus Quiñones
  • Inilarawan ni
  • Don Bryan Bunag
  • Winner of CANVAS Romeo Forbes
  • Children's
  • Storywriting Competition
Open page 1
Page 3

Ang librong ito ay kay

This book belongs to

This book belongs to

Open page 3

Page 4

Karapatang-ari sa Pilipinas ©2022 ng CANVAS - The Center for Art, New Ventures and Sustainable Development Reserbado ang lahat ng karapatan.

Karapatang-ari sa Pilipinas ©2022 ng CANVAS - The Center for Art, New Ventures and Sustainable Development

Reserbado ang lahat ng karapatan.

Puwedeng ibahagi, kopyahin, at ipamigay ang naritong materyal sa anumang medium o anyo sa layuning hindi pangnegosyo, kung may angkop na pagpangalan at pagkilala na ibibigay sa CANVAS, ang tagapaglathala nito. Hindi pinapahintulutan ang anumang pagbabago, pagsisipi, o paglikha batay sa naritong materyal nang hindi nakukuha muna ang nakasulat na pahintulot ng CANVAS.

Para sa mga tanong, makipag-ugnayan: CANVAS No.1 Upsilon Dr. Ext. cor. Zuzuarregui St., Old Balara, Quezon City, Philippines 1119 [email protected]

Unang limbag na hardcover, 2022 Unang inilathala sa Filipino na may salin sa Ingles Inilathala ng CANVAS - The Center for Art, New Ventures and Sustainable Development Inilimbag sa Republika ng Pilipinas

Isinulat ni Cepheus Quiñones Iginuhit ni Don Bryan Bunag Disenyo ng libro ni Kevin Candelaria Salin ni Ergoe Tinio Paglitrato ni Ocs Alvarez

Inilathala ang librong ito bilang bahagi ng One Million Books for One Million Filipino Children Campaign. Bilang bahagi ng kampanyang ito, nakikipagtulungan ang CANVAS sa lokal na mga manunulat at artista para makapaglathala ng mga librong pambata. Direktang ipinapamigay ang mga ito sa mga bata sa mga pampublikong aralan at maralitang komunidad sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Open page 4

Page 5

TANG Alamat ng Mariposa
  • TANG
  • Alamat ng Mariposa
  • Isinulat ni
  • Cepheus Quiñones
  • Inilarawan ni
  • Don Bryan Bunag
Open page 5

Page 7

Walang nakakaalam kung saan siya nagmula. Isa siyang napakagandang dilag, lagpas-balikat ang buhok na sing-itim ng gabi. Lagi niyang kasama ang alagang puting kuwago. No one knew where she came from. A beautiful woman with hair as black as night that went past her shoulders, she was always seen with her white pet owl.

Walang nakakaalam kung saan siya nagmula. Isa siyang napakagandang dilag, lagpas-balikat ang buhok na sing-itim ng gabi. Lagi niyang kasama ang alagang puting kuwago.

No one knew where she came from. A beautiful woman with hair as black as night that went past her shoulders, she was always seen with her white pet owl.

Open page 7
Page 8

Nakakapanindig-balahibo ang huni ng puting kuwago. “Huuu, huuu.”

A white owl’s call sent shivers down one’s spine. “Hoot, hoot.” 6

A white owl’s call sent shivers down one’s spine. “Hoot, hoot.”

Open page 8

Page 11

Walang nakakakilala sa kanya, pero dahil sa amo ng mukha niya ay tinawag siyang Maria ng mga tao bilang paghahalintulad sa mukha ng Mahal na Birheng Maria. Mahusay na manghahabi si Maria ng makikintab at magagandang tela ng sutla. No one knew who she was, but her gentle face earned her the name Maria, after the Holy Virgin Mary whose face was like hers. Maria was a skilled weaver of bright and lovely fabrics of silk.

Walang nakakakilala sa kanya, pero dahil sa amo ng mukha niya ay tinawag siyang Maria ng mga tao bilang paghahalintulad sa mukha ng Mahal na Birheng Maria. Mahusay na manghahabi si Maria ng makikintab at magagandang tela ng sutla.

No one knew who she was, but her gentle face earned her the name Maria, after the Holy Virgin Mary whose face was like hers. Maria was a skilled weaver of bright and lovely fabrics of silk.

Open page 11

Page 12

Pinaniniwalaan ng mga tao na may kapangyarihan ang telang makapagpagaling ng may karamdaman kapag ginamit ito bilang balabal o pangkumot sa maysakit. Sinasabing matapos magpagaling ay nawawala na ang kintab ng tela, tanda ng pagkawala ng angkin nitong bisa. Kung gayon, nagiging karaniwang tela na lamang ito. The townspeople believed the fabrics had the power to heal when used as a shawl or blanket for the sick. It was said that after healing a person, the fabric lost its luster—a sign that it no longer had power and had turned into an ordinary piece of cloth.

Pinaniniwalaan ng mga tao na may kapangyarihan ang telang makapagpagaling ng may karamdaman kapag ginamit ito bilang balabal o pangkumot sa maysakit. Sinasabing matapos magpagaling ay nawawala na ang kintab ng tela, tanda ng pagkawala ng angkin nitong bisa. Kung gayon, nagiging karaniwang tela na lamang ito.

The townspeople believed the fabrics had the power to heal when used as a shawl or blanket for the sick. It was said that after healing a person, the fabric lost its luster—a sign that it no longer had power and had turned into an ordinary piece of cloth.

Open page 12

Page 15

Ang bulung-bulungan, isa raw engkantada si Maria na naninirahan sa kalapit na engkantadong kagubatan. Nakakatakot itong lugar kaya walang naglalakas-loob na pumasok dito. Dati raw itong lugar ng isang sinaunang pamayanan na inabandona at ngayon ay sinakop na ng kagubatan. Ganap nang nilamon ng naglalakihang puno ang mga guho. In whispers, they said Maria was an enchantress who lived in the nearby enchanted forest. No one dared enter the ghostly woods. They said it used to be an ancient village, now abandoned and conquered by the wild. Towering trees have completely swallowed the ruins.

Ang bulung-bulungan, isa raw engkantada si Maria na naninirahan sa kalapit na engkantadong kagubatan. Nakakatakot itong lugar kaya walang naglalakas-loob na pumasok dito. Dati raw itong lugar ng isang sinaunang pamayanan na inabandona at ngayon ay sinakop na ng kagubatan. Ganap nang nilamon ng naglalakihang puno ang mga guho.

In whispers, they said Maria was an enchantress who lived in the nearby enchanted forest. No one dared enter the ghostly woods. They said it used to be an ancient village, now abandoned and conquered by the wild. Towering trees have completely swallowed the ruins.

Open page 15

Page 16

Isang araw, nagtitinda ng telang sutla si Maria sa bayan nang nasilayan siya ng isang makisig na manlalakbay. Agad na nabighani ang binatang manlalakbay na si Ponso at umibig sa dalaga. One day, Maria was selling her silks in town when a handsome traveler set his eyes upon her. It was love at first sight for the traveler, Ponso.

Isang araw, nagtitinda ng telang sutla si Maria sa bayan nang nasilayan siya ng isang makisig na manlalakbay. Agad na nabighani ang binatang manlalakbay na si Ponso at umibig sa dalaga.

One day, Maria was selling her silks in town when a handsome traveler set his eyes upon her. It was love at first sight for the traveler, Ponso.

Open page 16

Page 17

8363

Page 19

Di nagtagal, nagpahayag ng pag-ibig ang binata na tinanggap naman ng dalaga. Nagpakasal sila at nagsama sa kubo ni Maria sa pusod ng engkantadong kagubatan. Soon, the young man declared his love, and the young woman accepted. They got married and lived in Maria’s hut in the middle of the enchanted forest.

Di nagtagal, nagpahayag ng pag-ibig ang binata na tinanggap naman ng dalaga. Nagpakasal sila at nagsama sa kubo ni Maria sa pusod ng engkantadong kagubatan.

Soon, the young man declared his love, and the young woman accepted. They got married and lived in Maria’s hut in the middle of the enchanted forest.

Open page 19

Page 20

Hitik noon ang gubat sa mayayabong at luntiang punò. Nagsimulang malagas ang mga dahon at matuyo ang mga puno dahil sa mga insektong sumakop at nanahan sa kagubatan. Sa mga supot o bahay-uod ng mga insekto kinukuha ng mag-asawa ang mga sutlang hibla na ginagamit nila sa paghahabi ng tela. In those days, the woods were thick with lush green trees. The leaves began to dry up and fall because of the insects that came to the forest and lived there. From their cocoons, the couple gathered the silken threads they used for weaving.

Hitik noon ang gubat sa mayayabong at luntiang punò. Nagsimulang malagas ang mga dahon at matuyo ang mga puno dahil sa mga insektong sumakop at nanahan sa kagubatan. Sa mga supot o bahay-uod ng mga insekto kinukuha ng mag-asawa ang mga sutlang hibla na ginagamit nila sa paghahabi ng tela.

In those days, the woods were thick with lush green trees. The leaves began to dry up and fall because of the insects that came to the forest and lived there. From their cocoons, the couple gathered the silken threads they used for weaving.

Open page 20

Page 23

Sa gabi, ang nakapangingilabot na huni ng puting kuwago ang tanging bumabasag sa katahimikan. “Huuu, huuu,” huni ng puting kuwago.

Sa gabi, ang nakapangingilabot na huni ng puting kuwago ang tanging bumabasag sa katahimikan.

“Huuu, huuu,” huni ng puting kuwago.

At night, the silence was broken only by the chilling call of the white owl.

“Hoot, hoot,” called the white owl.

Open page 23

Page 24

Sa loob ng maraming taon, namuhay ang mag-asawa nang payapa at tahimik. Pareho silang masipag at magkatuwang sa umuunlad nilang negosyo ng hinabing tela ng sutla. Si Maria ang tagahabi samantalang si Ponso naman ang tagadala ng mga tela sa bayan para ilako ito. Lubhang mabenta ang mga tela nilang sutla dahil sa kintab at ganda ng mga ito, kasama pa ang paniniwalang kaya nitong magpagaling ng may karamdaman. For many years, the couple lived quietly and peacefully. They were both hard workers, partners in their growing business of woven silks. Maria wove the fabrics and Ponso brought them to town to sell them. The weaves were in demand because of their beauty and shine, not to mention the belief that they could cure the sick.

Sa loob ng maraming taon, namuhay ang mag-asawa nang payapa at tahimik. Pareho silang masipag at magkatuwang sa umuunlad nilang negosyo ng hinabing tela ng sutla. Si Maria ang tagahabi samantalang si Ponso naman ang tagadala ng mga tela sa bayan para ilako ito. Lubhang mabenta ang mga tela nilang sutla dahil sa kintab at ganda ng mga ito, kasama pa ang paniniwalang kaya nitong magpagaling ng may karamdaman.

For many years, the couple lived quietly and peacefully. They were both hard workers, partners in their growing business of woven silks. Maria wove the fabrics and Ponso brought them to town to sell them. The weaves were in demand because of their beauty and shine, not to mention the belief that they could cure the sick.

Open page 24

Page 27

Papauwi si Ponso isang araw nang tambangan siya ng masasamang-loob na dayo sa kanilang bayan. Ninakaw ang perang napagbentahan at ang masaklap pa nito ay sinaktan si Ponso ng mga kawatan. Ponso was on his home one day when wandering bandits stopped him in his tracks. They stole that day’s earnings, and to make matters worse, the outlaws beat him up.

Papauwi si Ponso isang araw nang tambangan siya ng masasamang-loob na dayo sa kanilang bayan. Ninakaw ang perang napagbentahan at ang masaklap pa nito ay sinaktan si Ponso ng mga kawatan.

Ponso was on his home one day when wandering bandits stopped him in his tracks. They stole that day’s earnings, and to make matters worse, the outlaws beat him up.

Open page 27

Page 28

Nang hindi umuwi si Ponso ng gabing iyon, nagpasya si Maria na hanapin siya kinaumagahan. Natagpuan niya si Ponso na wala nang buhay sa paanan ng isang malaking tuod ng balete. When Ponso did not make it home that night, Maria resolved to look for him the morning after. She found Ponso lifeless at a stump of a giant banyan tree.

Nang hindi umuwi si Ponso ng gabing iyon, nagpasya si Maria na hanapin siya kinaumagahan. Natagpuan niya si Ponso na wala nang buhay sa paanan ng isang malaking tuod ng balete.

When Ponso did not make it home that night, Maria resolved to look for him the morning after. She found Ponso lifeless at a stump of a giant banyan tree.

Open page 28

Page 31

Katuwang ang alaga niyang puting kuwago, mabilis siyang nagpasya na baluting parang bahay-uod ang labí ng asawa gamit ang mga hibla ng mahiwagang sutla. Buong ingat niyang binalot ng sutlang sinulid ang labí ng asawa. With her white owl, she quickly decided to place her husband’s remains in a cocoon, using the threads of the mysterious silk. She carefully covered her husband’s body with silken weave.

Katuwang ang alaga niyang puting kuwago, mabilis siyang nagpasya na baluting parang bahay-uod ang labí ng asawa gamit ang mga hibla ng mahiwagang sutla. Buong ingat niyang binalot ng sutlang sinulid ang labí ng asawa.

With her white owl, she quickly decided to place her husband’s remains in a cocoon, using the threads of the mysterious silk. She carefully covered her husband’s body with silken weave.

Open page 31

Page 32

Pagkayari, sarili naman ang binalutan ng sutlang sinulid. When she was done, she likewise wrapped herself with silk.

Pagkayari, sarili naman ang binalutan ng sutlang sinulid.

When she was done, she likewise wrapped herself with silk.

Open page 32

Page 35

Lumipas ang mga araw at tila naglahong parang bula ang mag-asawa. Dahil dito ay nangahas na ang mga tao na puntahan ang bahay ng mag-asawa sa pusod ng engkantadong gubat. Days passed and it seemed as if the couple had vanished into thin air. The townspeople gathered their courage to visit the couple’s home in the middle of the enchanted forest.

Lumipas ang mga araw at tila naglahong parang bula ang mag-asawa. Dahil dito ay nangahas na ang mga tao na puntahan ang bahay ng mag-asawa sa pusod ng engkantadong gubat.

Days passed and it seemed as if the couple had vanished into thin air. The townspeople gathered their courage to visit the couple’s home in the middle of the enchanted forest.

Open page 35

Page 36

Ngunit wala silang nakita doon kundi ang dalawang malalaking bahay-uod na walang laman at dalawang malalaki at magagandang paruparo na laging magkasama sa paglipad-lipad. Tinawag nila ang dalawang paruparo na Maria at Ponso na kalaunan ay binigkas na lamang sa pangalang Mariposa. But they saw nothing there, apart from two huge empty cocoons, and two large and beautiful butterflies who flew everywhere at each other’s side. They called the two butterflies Maria and Ponso, and eventually, Mariposa.

Ngunit wala silang nakita doon kundi ang dalawang malalaking bahay-uod na walang laman at dalawang malalaki at magagandang paruparo na laging magkasama sa paglipad-lipad. Tinawag nila ang dalawang paruparo na Maria at Ponso na kalaunan ay binigkas na lamang sa pangalang Mariposa.

But they saw nothing there, apart from two huge empty cocoons, and two large and beautiful butterflies who flew everywhere at each other’s side. They called the two butterflies Maria and Ponso, and eventually, Mariposa.

Open page 36

Page 39

Mula noon ay naging tanda na ang Mariposa ng muling pagkabuhay o pagbabagong-anyo. Kapag kabilugan ng buwan, madalas makita ang Mariposa na lilipad-lipad sa kagubatan. Tila ayaw ng pares na mahiwalay sa isa’t isa. Tunay nga na kahit ang kamatayan ay hindi kayang tapusin ang pag-iibigan ng mag-asawang Maria at Ponso. Since then, the Mariposa has been a symbol of rebirth or transformation. During fool moons, the Mariposa can often be seen flying around in the woods, an inseparable pair. Indeed, even death could not end the love between Maria and Ponso.

Mula noon ay naging tanda na ang Mariposa ng muling pagkabuhay o pagbabagong-anyo. Kapag kabilugan ng buwan, madalas makita ang Mariposa na lilipad-lipad sa kagubatan. Tila ayaw ng pares na mahiwalay sa isa’t isa. Tunay nga na kahit ang kamatayan ay hindi kayang tapusin ang pag-iibigan ng mag-asawang Maria at Ponso.

Since then, the Mariposa has been a symbol of rebirth or transformation. During fool moons, the Mariposa can often be seen flying around in the woods, an inseparable pair. Indeed, even death could not end the love between Maria and Ponso.

Open page 39

Page 40

Tuwing gabi, binabasag pa rin ng nakakapangilabot na huni ng puting kuwago ang katahimikan ng engkantadong gubat. “Huuu, huuu,” huni ng puting kuwago na para bang nagdadalamhati sa pagkawala ng kaniyang mga amo.

Tuwing gabi, binabasag pa rin ng nakakapangilabot na huni ng puting kuwago ang katahimikan ng engkantadong gubat.

“Huuu, huuu,” huni ng puting kuwago na para bang nagdadalamhati sa pagkawala ng kaniyang mga amo.

Every night, the silence would still be broken only by the chilling call of the white owl in the enchanted forest.

“Hoot, hoot,” the white owl would call, mourning the loss of its two masters.

Open page 40
Page 42

Tungkol sa Awtor

Si Cepheus I. Quiñones ay nagtrabaho bilang computer specialist sa dating U.S. Naval Base sa Subic Bay na nagpadala sa kanya sa iba’t ibang pagsasanay sa U.S. at Guam. Nang lisanin ng U.S. Navy ang Subic Bay, pumasok siya sa iba’t ibang gawain, pinakahuli bilang legislative staff sa kongreso. Nagtapos siya ng mga kurso sa Ingles at sosyolohiya, at naging Fellow sa Journalism ng UP College of Mass Communication.

Si Cepheus I. Quiñones ay nagtrabaho bilang computer specialist sa dating U.S. Naval Base sa Subic Bay na nagpadala sa kanya sa iba’t ibang pagsasanay sa U.S. at Guam. Nang lisanin ng U.S. Navy ang Subic Bay, pumasok siya sa iba’t ibang gawain, pinakahuli bilang legislative staff sa kongreso.

Nagtapos siya ng mga kurso sa Ingles at sosyolohiya, at naging Fellow sa Journalism ng UP College of Mass Communication.

Nagsanay siya sa Komisyon ng Wikang Filipino bilang tagasalin. Ngayon, nasa huling taon na siya ng pag-aaral ng abogasya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, at kasalukuyang paralegal staff sa isang law office.

Open page 42
Page 43

Tungkol sa Ilustrador

Bilang bata, pinapanood ni Don Bryan Bunag ang pagdaan ng mga ulap sa hardin ng lola niya, kasama ang pusa niyang si Botbot at aso niyang si Shiro. Noong 2014, nagtapos siya sa Bulacan State University ng bachelor’s degree sa Fine Arts, major in Visual Communication. Nakapanalo na ng maraming premyong pansining, napili siya bilang grand prize winner sa 2015 Metrobank Art and Design Excellence.

Bilang bata, pinapanood ni Don Bryan Bunag ang pagdaan ng mga ulap sa hardin ng lola niya, kasama ang pusa niyang si Botbot at aso niyang si Shiro.

Noong 2014, nagtapos siya sa Bulacan State University ng bachelor’s degree sa Fine Arts, major in Visual Communication. Nakapanalo na ng maraming premyong pansining, napili siya bilang grand prize winner sa 2015 Metrobank Art and Design Excellence.

Ngayon, isang interdisciplinary artist si Don at namumuhay at nagtatrabaho sa studio niya, kasama ang anim niyang pusa.

Natutuwa pa rin siyang manood ng mga ulap.

Open page 43
Page 46

MORE BOOKS FROM CANVAS

Art and culture Human rights

Art and culture

Human rights

Renato BaRja’s CHILDRen s stoRIes stories from some of Manila’s children

Retelling by Daniel Palma Tayona and Gigo Alampay Art by Renato Barja

WHY WORDS MATTER poetic reflection and lyrical art

Text by Butch Dalisay Art by Marcel Antonio

The weighT of words: An AlphAbeT of humAn righTs an alphabet of human rights

Editing by CANVAS Art by various artists

SILENT WITNESSES anecdotes of Martial Law survivors

Retelling by Gigo A. Alampay Art by Renz M. Baluyot

Community

A BRIDGE FOR SILAY the legend of Talim Island’s Devil Bridge

Retelling by Agay Llanera Art by Ronson Culibrina

ANG AKLATANG PUSA a story about a librarian and her cats

Story by Eugene Y. Evasco Art by Jared C. Yokte

DAUGHTER AND THE GREAT FISH a girl’s quest to feed her village

Story by Loren Peria Art by Jeho Bitancor

KAKATOK-KATOK SA BAHAY NI BENOK a community saves itself through unity

Story by Mon Sy Art by Faye Abantao

Environment and nature

MESSAGE IN THE SAND a boy is determined to save the seas

Story by Charmaine Aserappa Art by Roel Obemio

EARTH TALES: 3 ECO-FABLES FOR CHILDREN three eco-fables for children

Stories by unknown authors Art by Art by Ivee Olivares-Mellor, Plet Bolipata, Liza Flores

SI PONYANG AT ANG LIHIM NG KUWEBA two friends discovering nature’s wonders

Story by Melvin John B. Atole Art by Sarah M. Geneblazo

Open page 46
Page 47

Family

A FISH TALE a tribute to the family we choose Story by Becky Bravo Art by Daniel dela Cruz

A FISH TALE a tribute to the family we choose

Story by Becky Bravo Art by Daniel dela Cruz

MY BIG SISTER CAN SEE DRAGONS two sisters and their big imaginations

Story by Rocky Sanchez Tirona Art by Liza Flores

IPAPASYAL NAMIN SI LOLO a grandfather’s trip down memory lane

Story by Renato R. Gojo Cruz Art by Arvi Fetalvero

ANG ANGHEL NG SANTA ANA a story about supporting one’s sister

Story by Josephine de Dios Art by Johanna Helmuth

Self-care and self-discovery

AGAWAN BASE a bird’s self-confidence takes flight

Story by Jez Martin De Veyra Art by Jericho Moral

MY SUPER HANDS part of a campaign on handwashing

Written by Annette A. Ferrer Artworks by BLIC

MGA MUNTING PATAK NG ULAN a child decides on a dream

Story by Jessica Luciano Olmedo Art by Alee Garibay

I LIKE WEARING RAINBOWS a boy sees himself in many colors

Written by Agay Llanera Art by Lui Manaig

Activity Books

SILIM, PRINSESA NG DILIM a diwata finds beauty in darkness

Written by Mark Joseph Bacho Art by Luis Lorenzana

BENCAB’S ACtivity Book for ChildrEN

Activities written by Karen Joy Desamparado-Foronda Art by Benedicto Cabrera

I AM THE CHANGE IN CLIMATE CHANGE an activity book for young environmentalists

Written by Alyssa M. Peleo-Alampay, Ph.D. Art by Ang I.N.K

I AM THE STORYTELLER a storytelling activity book

Educational direction by Ana Maria Margarita Salvador Art by various artists

KARAPAT DAPAT an activity book on the rights of the child

Text by May Tobias-Papa Art by I.N.K.

LOOKING FOR JUAN an activity book about the Philippines

Activites by Annette A. Ferrer and Gigo A. Alampay Art by John Paul Antido

MAMITA’S GARDEN: AN ACTIVITY BOOK an activity book about plant care

Text by Nicolas Gabriel Garcia Art by Pam Yan-Santos

SAFE SPACE an activity book on internet safety

Text by Gigo Alampay Design by Liza Flores, Abi Goy, Fran Alvarez, and Jamie Bauza

#YOUTHINK a zine to combat fake news

Text by Gigo Alampay Design by Studio Dialogo

More titles available at www.canvas.ph and www.lookingforjuan.com.

Open page 47

Page 48

The Center for Art, New Ventures & Sustainable Development, CANVAS a non-profit organization, works with the creative community to promote children’s literacy, explore national identity, and broaden public awareness of Philippine art, culture, and the environment. For more information about CANVAS, and to learn how you can help and participate, send an email to [email protected]

The Center for Art, New Ventures & Sustainable Development, CANVAS a non-profit organization, works with the creative community to promote children’s literacy, explore national identity, and broaden public awareness of Philippine art, culture, and the environment.

For more information about CANVAS, and to learn how you can help and participate, send an email to [email protected]

  • Learn more about us at www.canvas.ph
  • Buy our books online at www.lookingforjuan.com
  • CANVAS.PH canvasph.art
  • Looking For Juan lookingforjuan
Open page 48

Page 49

CANVAS’ 1 Million Books for One Million Filipino Children Campaign aims to inspire in children a love for reading by donating its award-winning books to public schools, hospitals, and disadvantaged communities throughout the country. Imagine and believe.

CANVAS’ 1 Million Books for One Million Filipino Children Campaign aims to inspire in children a love for reading by donating its award-winning books to public schools, hospitals, and disadvantaged communities throughout the country.

Imagine and believe.

A child with art and stories can change the world.

You can help us!

For more information, email [email protected] visit our websites at www.canvas.ph or bit.ly/donatetocanvas or find us on social media:

Facebook: Center for Art, New Ventures and Sustainable Development (CANVAS.PH)

Instagram: @canvasph.art

CANVAS, a non-profit organization, works with the creative community to promote children’s literacy, explore national identity, and broaden public awareness of Philippine art, culture, and the environment.

Open page 49

Page 52

Sinasabing may kapangyarihang magpagaling ng sakit ang mga tela ng sutla. Hinahabi ni Maria ang mga iyon, at si Ponso naman ang nagtitinda sa bayan.

Sinasabing may kapangyarihang magpagaling ng sakit ang mga tela ng sutla.

Hinahabi ni Maria ang mga iyon, at si Ponso naman ang nagtitinda sa bayan.

Pero ilang araw nang hindi nakikita ang mag-asawa. Kailangang pasukin ng taumbayan ang engkantadong gubat para hanapin sila.

  • Ano ang makikita nila doon?
  • CANVAS Stories.
  • Real Life Told Beautifully.

CANVAS, a non-profit organization, works with the creative community to promote children's iteracy, explore national identity, and broaden public awareness of Philippine art, culture, and the environment.

For more information, please visit www.canvas.ph or follow us at www.facebook.com/canvas.ph www.canvas.ph

A child with art and stories can change the world

Open page 52